Wednesday, October 1, 2014

Ang Paborito kong Guro


       Maligayang Araw ng mga Guro

Margaret Velasco, sya yung Gurong masasabi mo na laging nakangiti kapag nakikita mong naglalakad. Sya rin yung Guro na magtuturo na may iba't ibang ayos ng buhok. at sya din yung Gurong binabati ng kanyang mga Estudyante na laging ENERGETIC.

Isa syang Guro na kahit magugulo't maiingay ang kaniyang mga Estudyante ay hindi sya nagsasawang magturo pa rin sa amin.
At kung minsan pa ay nagiging masaya ang klase dahil sa kanyang mga biro na kinukwento. 

Mam salamat po  sa lahat lahat ng naituro mo po sa aming mabubuti at sa mga payo na talagang nakakatulong sa amin.  Mam sana po ngayong araw ng mga Guro ay maging maligaya po kayo at wag po munang mag pakapagod. Magpaganda po lalo kayo sa araw na iyon.Mam wag po kayong magbabago laging nakangiti at maganda. SALAMAT PO!

1 comment:

  1. Maraming salamat charm! Dalangin q n matupad lhat ang iyong mga pangarap s buhay...

    ReplyDelete